2 LPA naging bagyo na – Pagasa

NAGING bagyo na gaya ng inaasahan ang dalawang low pressure area (LPA) na binabantayan nitong nakalipas na araw sa silangang bahagi ng Mindanao,ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ang una sa dalawang bagyong nabanggit, at ika-lima sa taong ito, ay tatawaging “Egay,” na ang sentro ay huling namataan sa layong 310 kilometro sa silangan ng Surigao City.

Si Egay ay may taglay ng lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna. Kumikilos ito ng pahilaga sa bilis na 13 kilometro kada oras.

Gayunman, wala pang babala ng bagyo sa alinmang lugar na apektado, ngunit inaasahan na magdudulot si Egay ng mga pag-ulan sa eastern Mindanao.

Hindi naman inaasahan ng Pagasa na magla-landfall si Egay hanggang sa makalabas ito ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply