2 LPA posibleng maging bagyo

NAGBABALA ang PAGASA na maaaring magsanib ang dalawang namataang low pressure area (LPA) na magbubunsod ng mas matinding pag-ulan sa silangang bahagi ng Pilipinas.

Ayon kay forecaster Ben Oris, may posibilidad na magsanib pwersa ang dalawang namumuong sama ng panahon upang maging isang malakas na bagyo.

Nabatid na kapag naging ganap na sama ng panahon ang LPA, tatawagin itong bagyong Egay, ikalima sa weather disturbance ngayong taon.

Huling namataan ang low pressure sa layong 180 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Nakapaloob pa rin ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) kaya mataas ang posibilidad na lumakas pa sa susunod na 48 oras.

Inaasahang magkakaroon ng mga pag-ulan ngayong araw ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply