2 magsasaka na-trap sa balon, todas

WALA nang buhay nang maiahon ang dalawang magsasaka mula sa hinuhukay nilang artesian well na may lalim na 35 metro sa Salindingan, Ilagan, Isabela.

Ang mga biktima ay sina Marvin Manayan, 24, at Gregorio Anacleto, pawang ng Barangay Salindingan.

Magkayakap pa nang matagpuan sa hukay ang dalawa nang makita ng Philippine Air Force rescuers na nakabase sa Cauayan City.

Sinimulan ang retrieval operation alas-12:40 ng Biyernes ng pinagsanib na puwersa ng 505th Search and Rescue Group ng TOG-2 PAF, Rescue 922 ng Cauayan City, Emergency Medical Service ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Emergency Unit ng LGU at Provincial Capitol at naiahon ang bangkay nina Manayan at Anacleto dakong ala-1:51 na ng hapon.

Nabatid na sanay ang mga biktima na maghukay ng mga balon at sa katunayan ay dumadayo pa sila sa ibang lugar kaya’t hindi inaasahan ang kanilang pagkamatay sanhi ng  suffocation.

Sinabi naman ng may-ari ng balon na si Marcelo Canceran na hindi na niya itutuloy ang paghuhukay sa balon.

Tiniyak nito na bibigyan niya ng kaukulang tulong sina Manayan at Anacleto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply