2 mambabatas pareho lang ang koleksyon

ISANG aksidente o nagkataon lang siguro kung bakit iisang klase ang koleksyon ng dalawang mambababatas.

Batay sa napag-alaman ng matang kuwago ng Remate, mahilig sa kakaiba at mamahaling koleksyon ang dalawang mambabatas na ito. Na kung saan pareho ring mahilig sa inang kalikasan ang mga ito

Gayundin, pareho rin ng mga nais na mangyari para sa bayan at mamamayan ang mga ito.

Hindi biro ang koleksyon ng dalawang mambabatas dahil sa habang tumatagal at lumuluma ang koleksyon ay tumataas ang halaga o value nito.

Alam ninyo ba na ang kakaibang koleksyon ng mambabatas A ay nagkakahalaga sa P29.9 milyon na gawa at likha ng mga kilalang manlilikha samantalang si mambabatas B naman ay nagkakahalaga ng P5 milyon ang kanyang koleksyon.

Kung tutuusin at susumahin ay maaari nang pagsamahin ang koleksyon ng dalawang mambabatas para gumawa ng museo. Yun ay kung nais nilang gawin iyon para ng sa ganoon ay conjugal este korporasyon pala.

Kaya siguro hindi rin nakapagtataka kung bakit iisa ang napiling artist campaign endorser ng dalawang mambabatas sa kanilang magkahiwalay na pagtakbo sa halalan.

Si mambabatas A ay tahimik pero matinik sa tsiks at tinatawag na boy hipo este hipon at si mambabatas B naman ay nabigo sa puwestong kanyang tinatakbuhan noon pero patuloy pa rin ang kanyang paglilingkod para sa bayan.

Oh ayan tiyak alam na ninyo kung babae o lalaki sila pareho bahala na kayong mag-isip basta pareho silang pasok sa dalawang kasarian.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply