2 manyak arestado

TIMBOG ang dalawang manyak makaraang ireklamo ng pangmomolestya sa magkahiwalay na bayan sa Quezon.

Unang dinakip si Abelardo La Madrid Ortiz, 36, tubong Camarines Norte at residente ng Barangay Cansinsin, Pakil, Laguna.

Si Ortiz ay inireklamo ng isang Salome Ordinado, ina ng biktimang itinago sa pangalang “Mariz,” 13.

Sa salaysay ng biktima, inaalagaan niya ang pamangkin nang pasukin siya ni Ortiz at saka siya niyakap, hinalikan at hinawakan ang maseselan bahagi ng kanyang katawan.

Naaresto naman ang lasing na si Ortiz nang makahingi ng tulong ang biktima.

Sunod namang naaresto si Armando Dusay, 39, binata ng Sitio Prenza, Barangay Calimpak, Guinayangan dahil din sa pangmomolestya.

Ito ay batay sa reklamo ng isang alyas “Trina,” 12, na nagsabing hinipo ni Dusay ang kanyang dibdib at iba pang maselang bahagi ng katawan. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply