2 minero patay, 1 kritikal sa gumuhong minahan

TUBA, Benguet – Patay ang dalawang minero, habang nasa kritikal na kondisyon ang isa pa matapos mabagsakan ng malalaking tipak ng bato sa loob ng Philex Mines sa Benguet.

Sa huling ulat kasalukuyang ginagamot sa intensive care unit (ICU) ng SLU Hospital sa Baguio si Conrado Ritumalta Tullao, 51, ng taga-Capitol Area Philex Mines, Tuba, Benguet at mine operations development supervisor ng nasabing minahan.

Samantala, nakalagak naman ang labi ng dalawa pang biktima na sina Mardy Dulay Andiso, 31, at Jonardo Ringor, 29, sa magkahiwalay na punerarya sa Benguet at Baguio.

Ayon sa ulat ni Benguet Provincial Police Office director S/Supt. Benjamin Lusad na inaayos ng mga nasabing minero ang mga batong pasasabugin nang biglang bumagsak sa kanilang kinatatayuan.

Noong nakaraang buwan lamang ay isa na namang minero ang namatay dahil sa gumuho ring minahan.

Nitong nakalipas na linggo ay namatay din ang isa pa dahil sa aksidente sa loob ng minahan sa naturang probinsiya.

Nauna rito ay nagbigay na ng babala ang tanggapan ng Mines Geosciences Bureau ng Department of  Environment and Natural Resources (DENR) na lubhang mapanganib ang pagpasok sa mga minahan sa ngayon dahil sa ulan na pinalalambot ang soil structure, ani Felizardo Gacad, ng MGB-DENR.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply