2 minero utas sa gas poisoning

UTAS ang dalawang minero habang dalawa naman ang nakaligtas matapos mabiktima ng gas poisoning sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet, Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na biktima na sina Ronald Cayabas, 37 at Mario Puguon, 28, pawang ng Ducot Ucab, Itogon. Habang nakaligtas naman si Wilner Longao at isa pang hindi pinangalanan.

Nabatid na nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng pagmimina sa isang kuweba sa nasabing lugar ang apat at mag-leak ang gas na kumitil sa buhay ng dalawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply