2 NPA patay sa sagupaan sa Negros Occidental

NAPATAY ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa panibagong sagupaan sa panig ng militar sa lalawigan ng Negros Occidental.

Ito ang kinumpirma ni Col. Jonas Sumagaysay, asst. commander ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army.

Naganap ang engkwentro Huwebes, sa pagitan ng mga rebelde at mga sundalo sa Sitio Tabon-Tabon, Barangay Tabun-ac bayan ng Toboso at dalawang NPA ang patay at apat ang sugatan.

Wala pang impormasyon si Sumagaysay kaugnay sa pagkakakilanlan ng mga namatay at sugatang rebelde dahil aniya naging mahigpit na umano ang grupo kaugnay sa pagpapalabas ng impormasyon sa samahan dahil sa mga nadiskubreng deep-penetration agent (DPA) sa kanilang hanay.

Samantala, isang rebelde rin ang namatay sa maikling sagupaan noong Miyerkules sa boundary ng Toboso at Calatrava.

Kinilala nito ang grupo na pinamumunuan ni Ka “Regan” ng Northern Negros Front na nakasagupa ng tropa ng militar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply