2 pang bagyo inaasahan bago matapos ang Hunyo

MATAPOS ang bagyong “Chedeng” at “Dodong,” dalawang bagyo pa ang inaasahang papasok sa bansa bago magtapos ang buwan ng Hunyo.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Graciano Yumul Jr. sa isang panayam sa dwIZ, hindi nakakitaan ang kanilang models ng bagyo na paparating ngayong linggo ngunit inaasahang nagkakaroon ang buwan ng Hunyo ng tatlo hanggang apat na bagyo.

“Historically ang Hunyo nakakakita tayo tatlo o apat na pagbagyo. Nakadalawa na tayo, ‘Chedeng’ at ‘Dodong’ kaya inaasahan nating may dalawa pang papasok,” ayon kay Yumul.

Dagdag pa ni Yumul, masusi nilang babantayan ang mga low-pressure area at mga pagsama ng panahon na maaaring mamuo sa bansa.

Sa kasalukuyan, wala pa naman silang nakikitang senyales ng pagsama ng panahon o papasok na bagyo sa parteng kanluran at silangan ng bansa sa mga susunod na araw.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply