2 parak sugatan, 7 pushers tiklo sa drug-bust operation

SUGATAN ang dalawang pulis habang nadakip naman ang pitong drug pushers nang ikasa ng awtoridad ang kanilang anti–narcotics operation na humatong sa barilan sa Quezon City, Miyerkules ng madaling-araw.

Ang dalawang sugatang pulis ay kinilalang sina SPO2 Nilbert Forlucas at PO1 Teodorico Casison, pawang nakatalaga sa Station Anti – Illegal Drugs (SAID) ng Kamuning Police Station 10.

Ang mga naarestong suspek naman ay sina Honey Boy Alejandro, alyas Sonny Boy, 29, ng 453 Cadena De Amor St., Brgy. Central, Quezon City; Eddie Santos, 29, ng 128 Cadena De Amor St., Napocor, Brgy. Central, Quezon City; Esmael Maulana, 48, ng Blk, 21E Baseco compound, North Harbor, Manila; Jamal Abdul Lumambas, 32, ng Muslim Mosque, Cadena De amor, Napocor Barangay Central; Chrsitian Paul Desuyo, 18, ng 25 D Mapagbigay St., Barangay Pinahan, Quezon City; ang hinihinalang lider sina George Alquero at Mario Germar, pawang nakatira  sa Barangay Central.

Base sa report, dakong 12:55 ng madaling-araw nang maganap ang barilan sa pagitan ng awtoridad at drug pushers sa Muslim Mosque compound, sa Cadena De Amor St.,  Napocor, Barangay Central.

Una rito, nakarating sa SAID ang impormasyon na bagsakan ng sindikato ng ipinagbabawal na shabu at ibang iligal na  droga ang nasabing muslim compound.

Dahil dito, agad sinalakay nina SPO2 Forlucas at PO1 Casison ang hinihinalang lungga ng sindikato sa naturang lugar subalit pinaulanan sila ng bala ng baril.

Tinamaan agad si SPO2 Forculas sa tiyan habang si PO1 Casison ay tinamaan naman ng bala sa binti pero sa kabila nito ay nakaganti pa sila ng putok, pero mabilis na nakatakas sina alyas Toto at alyas Ustadz, kapwa drug addict.

Mabilis namang nakaresponde ang operatiba ng SAID sa pamumuno ni Supt. Crisostomo Mendoza at nasukol ang pitong drug pushers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply