2 parak sugatan sa sagupaan

DALAWANG kagawad ng Philippine National Police ang malubhang nasugatan ng mapalaban sa may 40  rebeldeng komunista Linggo ng umaga sa lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon sa report na ipinarating sa Camp Crame, naganap ang sagupaan sa bisinidad ng Sitio Tamlang, Barangay Libertad sa Escalante City, Negros Occidental.

Kinilla ang mga sugatan sa laban na sina Police Officer 1 Leonel Basto at PO1 Apolonio Panunciar, pawang kasapi ng PNP 6th Regional Public Safety Battalion .

Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga tauhan ng PNP sa pamumuno ni P/Inspector Antonio Benitez ng masabat nila ang may 40 New People’s Army.

Agad na nagkaroon ng engkuwentro na ikinasugat ng dalawa na kapwa itinakbo sa San Vicente Gustilo District Hospital sa Escalante City.

Dahil sa matinding tama ay napilitan na ilipat si Panunciar sa Bacolod City para sa kaukulang medical attention. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply