2 paslit patay, 1 sugatan sa gumuhong pader

DALAWANG babaeng kindergarten pupil ang nasawi, habang malubaha naman ang isa pa, nang madaganan ng gumuhong pader na malapit sa kanilang paaralan sa San Agustin, Suriagao Del Sur kahapon, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa naantalang ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktimang sina Diah Jualo Avila, 4, at Chlowe Gomez Jualo, 5, pawang mga taga-bayan ng San Agustin.

Nabatid na dead-on-the-spot si Avilla habang dineklarang dead-on-arrival naman si Jualo sa Marihatag District Hospital sa Surigao del Sur.

Ayon sa San Agustin municipal police office, kapwa nagtamo ng head injuries ang mga biktima dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas ang sugatang biktima na nakilalang si Angel Sarilibo na isinugod din sa nabangit na hospital.

Sa pagsisiyasat, nabatid na naglalaro ng hula-hoop ang mga paslit sa gilid ng kalsada katabi ng pader na malapit sa kanilang paaralan nang bigla itong gumuho.

Napag-alaman na bahagi ang nasabing mahigit dalawang  metrong taas ng pader ng isang property na inabandona ng may-ari may ilang taon na ang nakalilipas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply