2 patay, 3 sugatan sa pamamaril sa sayawan

DINILIG ng dugo ang isa sanang masayang sayawan nang biglang may magpaulan ng punglo na ikinasawi ng dalawang lalaki at malubhang ikinasugat ng tatlong iba pa sa lalawigan ng Antique kagabi, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame Command Operation Center, may isang sayawang nagaganap sa Barangay Sta. Rosa, Tibiao nang biglang may nagpaputok ng baril dakong 9:40 p.m.

Kinilala ang mga nasawi na sina Simeon Rigudo, 21, ng Barangay Importante, Tibiao, Antique at Jerry Cumla, 51, ng Barangay Sta. Rosa sa nabanggit na bayan.

Nabatid sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Antique na dead-on-the-spot ang dalawang biktima habang itinakbo naman sa pagamutan sina Jason Arsilla, 16, Kimyor Mabacquiao, 20, at Roe Mabacquiao, 38, pawang mga taga-Barangay Sta. Rosa.

Ayon pa sa mga awtoridad, posibleng inggitan o personal na away ang motibo sa likod ng ginawang walang habas na pamamaril ng mga hindi nakilalang salarin sa gitna ng nagaganap na pasayaw.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply