2 patay sa pagsabog sa Basilan

PATAY ang dalawa katao habang  walo pa ang sugatan sa sunog at pagsabog sa Isabela City, Basilan, iniulat ng pulisya Linggo ng umaga.

Hindi naman agad nakuha ang pagkakilanlan ng mga biktima.

Ayon kay Chief  Supt.  Felicisimo Khu,  pinuno ng Directorate for Integrated Police Office-Western Mindanao,  alas-5:45 ng hapon nang maganap ang pagsabog bago ang sunog sa labas ng  Mon’s kitchenette sa kahabaan ng Alano St hanggang Valderosa St., naturang lungsod.

Sa imbestigasyon, isang pagsabog muna ang narinig sa labas ng karinderya bago sumambulat ang apoy.

Naganap ang insidente may 40 metro ang layo sa Isabela Church kaya muling inalerto ang mga kagawad ng pulisya at militar sa lugar.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply