2 PBA games sa Dubai, pinananabikan

MATUTUON ang atensiyon ng mga panatiko ng propesyunal basketball aficionados na Pinoy at mga taga ibang bansa tulad ng Middle East sa napipintong dalawang laro ng Talk N Text laban sa B-Meg Derby Ace Llamados sa Huwebes, Hunyo 30 na susundan ng TNT – Ginebra Gin Kings encounter kinabukasan sa El Shabab Sports Club sa Dubai.

Pipiliting makabawi ng Llamados para makaahon sa ika-pitong pagkakalugmok sa 10 standings para makaiwas sa pagkakasibak sa elimination round.

Nakahinga ang team manager at coaches ng Derby Ace nang alisan ng kuryente ang Meralco Bolts sa laro noong Linggo sa Flying-V Arena sa San Juan City, 104-92 na naghatid sa kanila sa kumpulan kasama ang Meralco Bolts, Petron Blaze Boosters at Alaska Aces na pawang tangan ang 2-2 slate.

Bilang karagdagang insentibo ay nagsimula ng makipag-ensayo ang bago nilang import na si Darnell Hinson.

Si Hinson ang kahalili ni Stefon Hannah na nilaro ang huli niya na kinakitaan ng mainam na 23 puntos kasunod ng 25 ni best player of the game na si James Yap sa kabila ng pagkaka-fouled out.

Nagbalik naman sa dating kondisyon si Cyrus Baguio na nag-top score sa Alaska Aces sa pagpapabagsak sa Air 21 Express sa score na 98-84.

Ang import na si Jason Forte, sina Sonny Thoss at Wesley Gonzales ay nakapag-ambag ng 18, 15 at 13, alinsunod sa pagkakasunod sa panalo ng tropa mi coach Timothy Cone.

Si Champ Bangura ay nakapag-tumpok ng 21 points, humablot ng pitong boards at nakapagpasa ng tatlong assists sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ni Gonzales.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply