2 pulis, 1 pa natusta sa sunog sa Laguna

PATAY ang tatlong miyembro ng isang pamilya na kinabibilangan ng retiradong pulis, isang batang kagawad ng Philippine National Police (PNP) at isang babae sa naganap na sunog sa Sta Cruz, Laguna Huwebes ng umaga, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon sa impormasyong ibinahagi sa media ni PNP Public Information Office chief P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr, naganap ang sunog bandang 7:40 ng umaga.

Kinilala naman ang mga biktima na sina Carlito Maglipon, Ret. Police Officer; Mara Maglipon at PO1 Francisco Maglipon ng Sta Cruz, Municipal Police Station.

Sinasabing natagpuan ang mga biktima sa loob ng natupok nilang tahanan.

Sa inisyal na report ng Laguna Arson Investigators sinasabing nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Joey Landirito na nasa Sitio Yakal, Barangy Santisima, Sta Cruz, Laguna.

Nabatid pa na may 40 kabahayan ang nilamon ng sunog na tumagal ng mahigit isang oras

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga arson probers sa naturang insidente upang alamin din kung may dapat managot sa nsabing sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply