2 pulis sugatan sa anti-drugs operation

SUGATAN ang dalawang pulis habang pitong hinihinalang drug pushers ang nadakip makaraan umanong makipagbarilan ang huli sa isinagawang anti-narcotics operation sa Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. George Regis ang mga naarestong hinihinalang tulak sina Honey Boy Alejandro, alyas “Sonny Boy”, 29, ng 453 Cadena De Amor St., Napocor, Barangay Central ng QC; Eddie Santos, 29, ng 128 Cadena De Amor St.; Esmael Maulana, 48, ng Blk. 21E, Baseco Compound, North Harbor, Manila; Jamal Abdul Lumambas, 32, ng Muslim Mosque, Cadena De Amor St.; Chrsitian Paul Desuyo, 18, ng 25D Mapagbigay St., Barangay Piñahan, QC; ang hinihinalang lider na sina George Alquero at Mario Germar, pawang mga residente rin ng Barangay Central.

Ang dalawa namang sugatang pulis ay sina SPO2 Nilbert Forlucas at PO1 Teodorico Casison, miyembro ng PNP at nakatalaga sa Station Anti–Illegal Drugs (SAID) ng QCPD-Kamuning Police Station 10.

Ayon sa ulat ng QCPD, naganap ang insidente dakong 12:55 a.m. kanina nang maganap ang barilan sa pagitan ng mga awtoridad at mga hinihinalang drug pushers sa isang compound sa Cadena De Amor St., Napocor, Barangay Central ng nasabing lungsod.

Una rito, nakarating sa SAID ang impormasyon na bagsakan umano ng sindikato ng ipinagbabawal na droga at ibang illigal na droga ang nasabing lugar.

Dahil dito, agad sinalakay nina SPO2 Forlucas at PO1 Casison ang hinihinalang lungga ng sindikato sa Barangay Central subalit sinalubong umano sila ng bala ng baril.

Sa puntong ito, tinamaan si SPO2 Forculas sa tiyan at si PO1 Casison ay tinamaan ng bala sa binti. Agad namang gumanti ang mga pulis ng putok at mabilis na nakatakas sina alyas “Toto” at alyas “Ustadz” na pawang drug addicts.

Mabilis namang nakaresponde ang mga operatiba ng SAID sa pamumuno ni Supt. Crisostomo Mendoza at nasukol nila ang pitong drug pushers.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply