2 sa 3 rapist ng 15-anyos nene arestado

NADAKIP na ng operatiba ng Quezon City Police ang dalawa sa tatlong kalalakihang halinhinang gumahasa sa 15-anyos na dalagita sa Quezon City, Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ni Police Senior Inspector Vicente Gil Palma team leader ng Follow up opertion ng nasabing himpilan ang mga suspek na  sina Jomer Damaso, 25, ng Lirio St., Caloocan City at Raffy Fortales, 17, ng Phase 2, Bagong Silang, nasabing lungsod.

Nagsagawa na ng manhunt operation ang awtoridad para sa nakatakas na kasamahan nilang si Raymond Fortales, ng Caloocan City.

Nabatid na isa-isang dinampot ng follow up operation ng operatiba ng PS6 sa pangunguna ni Police Insp. Vicente Gil Palma sa kani-kanilang tahanan matapos humingi ng tulong ang biktimang itinago sa pangalang Nenita, 15.

Sa ulat ni PO1 Jason Tolentino ng nasabing himpilan, nangyari ang ng panggagahasa noong June 15 sa pagitan ng 12 hanggang 1 ng tanghali sa may madamong bahagi ng Brgy. Lagro.

Bago nito, naglalakad ang biktima sa may Brgy. Payatas patungo sa kanyang pinapasukang paaralan nang biglang harangin ng mga suspek sakay ng tricycle.

Dito ay puwersahang nilagyan ng piring ang mga mata ng biktima at dinala sa nasabing lugar kung saan halinhinang ginahasa ng mga suspek.

Nang matapos ay muling isinakay ng mga suspek ang biktima sa tricycle at inihatid sa mismong lugar na pinagkunan sa kanya.

Dahil nagkaroon ng pagkakataon ang biktima, lakas loob itong dumulog sa himpilan ng barangay ikinaresto ng dalawang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply