2 sundalo, 4 sugatan sa ambush sa Compostela

DALAWANG sundalo ang napatay habang apat iba pa ang malubhang nasugatan nang tambangan ng isang pangkat ng New Peoples Army sa Baragay  Belmonte, Laak, Compostela Valley Province sa ulat ng militar, Martes ng hapon.

Ayon kay Army Ltcol Leopoldo Galon, tagapagsalita ng AFP Eastern Mindanao Command, naganap ang pananambang dakong 5:30 ng umaga sa nasabing barangay.

Sa impormasyong ibinahagi ni Col Galon, nabatid na patungo sana ang mga elemento ng 9th Special Forces Company (9SFC), 3rd SFBn,  na nasa ilalim ng AFP 10th Infantry Division, nagtungo sa isang pre-determined areas sa Barangay Melali  para pangalagaan ang seguridad ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural resources na nag-iimplementa ng Executive Order 23 or Anti Illegal Log Ban ni Pangulong Aquino nang tambangan ng mga rebeldeng komunista.

Batay sa initial report na isinumite sa tanggapan ni Army chief Ltgen Arturo Ortiz, kinilala ang mga napaslang na sina PFC Werlito S De Claro 861376 Inf PA at PFC Jefferson Galang 879721 (Inf) PA.

Tatlo naman sa mga malubhang nasugatan ang kinailangang kunin at ilipad ng Philippine Air Force chopper upang madala sa Camp Panacan Station Hospital na kinilalalang sina PFC Joel Bastian 881338 Inf PA; PFC Reynaldo DC Villamor 871982 Inf PA; PFC Jason M Valdez 876093 Inf PA.

Kasalukuyan namang inilagak sa Villa Funeral Parlor sa Panabo City ang bangkay ng dalawang napaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply