2 timbog sa droga

DALAWANG pinaghihinalaang tulak ng droga ang bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District sa isinagawang buy bust operation sa Paco, Manila.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Juan Yabut, 31, at Reynaldo Quiambao, 54, kapwa tambay ng Sta. Maria st., Paco, Manila.

Batay sa ulat ni PO2 Ricardo Bautista kay P/Supt. Remigio Sedanto, station commander ng MPD-Pandacan Police Station 10, dakong 11:30 ng hatinggabi nitong Hunyo 11 nang magsagawa ng buy bust operation sa Blk. 12  Sta. Maria st., sa Paco.

Kapwa  nakitaan ng bawal na shabu ang dalawa at sinasabing nabawasan na pansamantala ang tulak at ang gumagamit ng droga sa lugar.

Dahil dito, kapwa dinala sa Duty Inquest Fiscal sina Yabut at Quiambao, at pareho itong sinampahan ng kasong paglabag ng violation of Sec. 5 in relation to Sec. 26 at Sec. 11 Art.11 ng R.A. 9165 (comprehensive dangerous drug act of 2002).

Sa nasabing inquest proceeding na isinagawa ng mga tauhan ni Sedanto, lumilitaw na walang inilaang piyansa sa kanilang pansamantalang paglaya habang nasa kustodiya ang mga ito ng nasabing himpilan ng pulisya. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply