2 timbog sa tupada

HINDI nakaligtas ang mga nagtutupada sa K9 Area Barangay Lower Bicutan laban sa pinaigting na batas ng pamahalaang lungsod ng Taguig matapos na bitbitin ng mga awtoridad ang mga ito noong Linggo ng tanghali, Hunyo 26, sa bisa ng atas na tinanggap ni Taguig Anti-Illegal Gambling Chief P/Chief Insp. Joseph Talento buhat kay Taguig City Mayor Laarni Cayetano.

Nakilala ang mga suspek na sina Nestor M. Nicolas, 38, at Nestor N. Pamilaga, 33.

Nakuha mula kina Nicolas at Pamilaga ang ebidensiya na isang mestizo breed gamecock kasama ang tari nito.

Lalapatan ng kasong paglabag sa PD1602 at PD1602 ang mga ikinulong na suspek. PP Corpus

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply