2 utas sa sumabog na dinamita sa minahan

NAGKAGUTAY-GUTAY ang katawan ng dalawang lalaki matapos na masabugan ng dinamita sa isang minahan sa Sitio Rosi, Tirada, Barangay Del Pilar, Cabadbaran City sa lalawigan ng Agusan del Norte, iniulat ngayon, Hunyo 7.

Batay sa paunang imbestigasyon ng awtoridad, namatay agad ang mga biktimang nakilalang sina Lei Zheng, isang Chinese national na itinuturong financier ng operasyon sa minahan at si Florido Palubon, 39-anyos, minero at residente sa nasabing lugar.

Nabatid na makaraang sindihan ni Zheng ang dinamita ay hindi nito nagawang makalayo at agad na sumabog ito na siyang dahilan ng kanilang pagkamatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply