2 vendor kritikal sa may-ari ng pinalong aso

KRITIKAL ang dalawang vendor nang pagbabarilin ng may-ari ng asong pinalo ng mga una habang nag-iinuman sa Malabon City, Lunes ng gabi, Hunyo 28.

Kapwa ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina Daniel Bartolome, 31, at Danilo Libre, 34, kapwa taga-Sitio Gulayan, Catmon ng lungsod.

Nadakip naman si Nilo Segismundo, 41, at kalugar ng mga biktima.

Sa ulat, dakong 8:30 p.m. ay nag-iinuman ang mga biktima sa tapat ng kanilang bahay nang lumapit ang aso ni Segismundo na natapakan ni Libre.

Nangagat ang aso na naging dahilan upang pagpapaluin hanggang sa makita ni Segismundo.

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nina Segismundo at Libre hanggang sa umuwi ang suspek at pagbalik ay pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Matapos ang insidente, dinala ang mga biktima sa nasabing pagamutan habang nadakip naman ang suspek ng mga pulis, subalit hindi na nakuha ang baril na ginamit.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply