20 ektarya ng water lily sa Rio de Grande inaalis na

MANO-MANO lamang ang ginagawang pagtanggal sa halos 20 ektarya ng mga basura at water lily na may apat na metro ang kapal ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways sa bunganga ng Rio Grande de Mindanao na nagiging sanhi ng malubhang pagbaha sa Cotabato City at mga karatig lugar.

Ibinuhos na lahat ng mga tauhan at kagamitan ng DPWH Central Mindanao maging ang National Head Office upang ma-asistehan ang de-clogging activities sa nabanggit na ilog.

Simula pa nitong Sabado ay nagpadala na ng trailer trak na may kargang backhoe, isang crane at 12 barges ang DPWH-Presidents Bridge Program Office (PBPO) papuntang Cotabato City at sinimulan na rin agad ang pagtanggal sa mga water lily at basura na ngmula pa sa Liguasan Marsh palabas ng Rio de Grande kung saan naipon ang mga ito at bumara sa ilog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply