200 bahay tinangay ng baha sa Mindanao

HUMIGIT-KUMULANG sa 200 bahay ang inanod ng tubig-baha nang banggain ang mga ito ng mga water lily na tone-tonelada ang bigat sa North Cotabato, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Huwebes.

Iniulat sa OCD na 194 na bahay ang tinangay ng rumaragasang tubig na may dala-dalang mga water lily.

Ang water lily rin ang sinisi sa ilang araw na pagbaha sa Maguindanao at Cotabato City dahil binarahan umano ng mga ito ang daluyan ng tubig kaya’t umagos ito sa kabayanan.

Ayon sa report, kinumpirma ni Eliseo Jun Garcesa, board member ng North Cotabato, na umabot sa 27,028 pamilya, o may katumbas na 130,527 katao, ang apektado mula sa 124 barangay sa sampung bayan.

Sa bayan ng Midsayap lamang ay umaabot na sa 91 kabahayan ang tinangay ng tubig-baha, habang sa Cotabato City naman ay aabot na sa 30 barangay ang lubog sa baha. Umabot sa 17,863 pamilya ang naapektuhan sa dalawang nabanggit na lugar pa lamang.

Samantala, idineklara naman ang state of calamity sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) dahil sa pagbaha sa mga probinsiya ng Sulu, Lanao del Sur at Maguindanao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply