200 kilo ng botchang bangus nasabat sa Nova

HINDI kukulangin sa 200 kilo ng umano’y botchang bangus ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service sa isinagawang pagsalakay sa may limang palengke sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Dra. Ana Marie Cabel, hepe ng raiding team, nadiskubre nila na inihahalo umano ang mga mapuputlang bangus sa mga sariwang mga isda ngunit madali nila itong natukoy dahil sa may amoy na at malalambot na aniya ang karne.

Dahil dito, tahasang sinabi ni Dra. Cabel na tuloy tuloy ang kanilang gagawing operasyon sa mga palengke sa kalunsuran dahil nakakuha na sila ng lugar lupa kung saan nila maaring ilibing ang mga nakukumpiskang botchang isda at karne.

Ani Cabel, delikado sa kalusugan ng isang tao ang pagkain ng mga botchang isda dahil sa salmonella bacteria na maaaring makuha dito kung kaya mas paiigtingin nila ang kampanya upang hindi na ito maikalat pa sa mga palengke.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply