200 kilong bochang bangus nakuha sa Nova

UMABOT ng 200 kilong bochang bangus ang nakuha ng National Meat Inspection Service sa limang magkakalapit na palengke sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Dra. Ana Marie Cabel, hepe ng raiding team, inihahalo umano ang mga double dead na bangus sa mga sariwa. Madali lang naman umanong malaman kung bocha ang bangus dahil malambot ang karne nito at mabaho na.

Ibinalita din ni Dra. Cabel na aaraw-arawin na nila ang kanilang isinasagawang pag-inspection sa mga palengke dahil nakakuha na sila ng lupa kung saan puwede maililibing ang mga nakukumpiskang mga bochang isda.

Patuloy ang kanilang gagawing pagkumpiska sa mga ito para hindi ito maibenta dahil sa sobra itong delikado sa kalusugan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply