2,000 pulis ikakalat para sa 1st day ng klase

IPAKAKALAT ang 2,000 pulis sa Kamaynilaan ayon kay NCRPO Chief Alan Purisima para sa pagbubukas ng klase ngayong araw, ika-6 ng Hunyo.

Poposte ang mga pulis malapit sa mga eskuwelahan para magbigay seguridad sa mga papasok na mga estudyante.

Tinatayang aabot sa dalawang milyong mga bata sa Kamaynilaan ang papasok ngayon sa eskuwelahan para sa unang araw ng school year 2011-2012.

Ayon pa kay Purisima, tutulungan din ang mga pulis sa pagsasaayos sa trapiko dahil sa inaasahang trapik na inaasahan na mararanasan ngayong araw.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply