22nd Fiba Asia Champ’s Cup quarters cast buo na

NAKUMPLETO na ang quarterfinals cast ng Fiba Asia Champions Cup sa pagpasok ng Al-Ittihad ng Saudi Arabia sa pagtatapos ng eliminations sa FilSports Arena sa Pasig City.

Ang pinakahuling biktima ng Saudi Arabia ay ang Westsports Dragons ng Kuala Lumpur na tinabunan sa iskor na 98-76.

Ang mga bumubuo sa Group B ay ang Al-Riyadi ng Lebanon, Mahran ng Iran, Qatar at Al-Jalaah ng Syria, samantalang ang Group A ay pinangungunahan ng Smart-Gilas Pilipinas, ASU ng Jordan, Al-Ittihad ng Saudi Arabia at Duhuk ng Iraq.

Sa laro ngayong gabi sa FilSports Arena ay maghaharap ang Lebanon at Iraq na susundan ng Iran vs Saudi Arabia bago ang pinakahihintay na banggaan ng Smart-Gilas Pilipinas kontra Al-Jalaah ng Syria at sa final set ng mga laro ay ang labanan ng Jordan kontra Qatar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply