2,445 pulis ikakalat sa pagbubukas ng klase

HANDANG-HANDA na ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa pagbabalik eskuwela ng mga mag-aaral sa Lunes, Hunyo 6, para magbigay proteksiyon sa mga estudyante.

Batay sa ulat, magpakalat ang NCRPO ng may 2,445 na kapulisan sa Lunes para magbantay ‘di lamang sa sa unang araw ng pasukan kundi maging sa mga susunod na araw sa mga paaralan.

Base sa Master Plan Sandigan ng NCRPO, kabilang sa pangunahing tututukan ng pulisya ay ang mga paaralan, unibersidad, terminal ng bus at jeep at iba pang area na talamak ang nagaganap na krimen.

Ayon kay NCRPO Director Chief Supt. Alan Purisima, katuwang nila sa master plan na ito ang may 3,305 force multipliers mula sa mga lokal na pamahalaan upang magbantay sa higit isang libong paaralan sa Metro Manila.

Kaakibat rin nito ang pagpapakalat ng mga pulis na de-motorsiklo na magbabantay sa posibleng pagsalakay ng mga masasamang loob na riding-in-tandem. Amor Virata

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply