2,500 pamilya binaha sa Sultan Kudarat

KINUMPIRMA ng Municipal Social Welfare ng Lambayong, Sultan Kudarat na umaabot na sa 2,500 pamilya ang apektado sa pag-apaw ng tubig ng Allah river.

Ang bilang ng mga apektadong pamilya ng pagbaha ay umaabot sa 438 sa Brgy. Madanding kung saan may walong bahay ang inanod ng tubig baha, 523 sa Pinguiaman, 768 sa Tinumigues; 726 sa Udtong at 18 sa Sadsalan ng nasabing bayan.

Idinagdag pa nito, patuloy ang kanilang pag-monitor sa mga barangay na dinadaanan ng Allah River dahil nananatiling mataas ang tubig bunsod ng nagpapatuloy na pag-ulan.

Nangangailangan din umano sila ng tulong para mailikas ang mga apektadong pamilya sakaling kakailanganin ang paglikas ng mga pamilyang nakatira malapit sa ilog.

Samantala, nagpadala na ng relief assistance ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-Region 12) sa mga apektado ng pagbaha.

Ayon kay DSWD 12 Assistant Regional Director Gemma Rivera, kabilang sa kanilang nabigyan ng tulong ang mga pamilyang nasa gym ng Barangay Sadsalan mula sa apat na barangay sa Lambayong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply