250,000 katao dumagsa sa birthday ni Rizal

NAGING matagumpay ang pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Dr. Jose Rizal sa Luneta ngayong hapon, Linggo, Hunyo 19.

Umabot sa 250,000 katao ang dumalo sa nasabing selebrasyon kung saan naging agaw-pansin ang inihandang dalawang higanteng birthday cake.

Dumating din ang ilang kama-ganak ng nasabing pambansang bayani.

Ayon sa National Parks Committee, ito na ang pinakamalaking selebrasyon sa pagbibigay pugay sa kaarawan ni Gat Jose Rizal.

Marami ring turista ang nagsidalo at nakasaksi sa nasabing selebrasyon sa Luneta kung saan karamihan ay nag-alay ng bulaklak sa monumento ng pambansang bayani.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply