26 domestic flights, kanselado dahil kay ‘Falcon’

UMABOT na sa 26 na domestic flight ang kinansela sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at 3 ngayon, Huwebes, dahil sa masamang lagay ng panahon na pinag-iibayo pa ng bagyong Falcon.

Kanselado ang flight ng Philippine Airlines patungong Legaspi City at pabalik ng Maynila ( PR 277 Manila – Legazpi at PR 278 Legazpi-Manila).

Una rito, kinansela ang walong domestic flight ng Cebu Pacific patungong Bicol at Visayas.

Kabilang din sa mga unang kinanselang flight ay ang mga biyahe ng Cebu Pacific na 5J 325 Manila-Legazpi, 5J 326 Legazpi-Manila, 5J 891 MNL-Caticlan, 5J 892 Caticlan-MNL, 5J 711 MNL-Catarman, 5J 712 Catarman-MNL, 5J 521 MNL-Naga, 5J 522 Naga-MNL, 5J 767 MNL-Surigao, 5J 768 Surigao-MNL, 5J 893 MNL-Caticlan, 5J 894 Caticlan-MNL, 2P 925 MNL-Legazpi, 2P 926 Legazpi-MNL, 2P 265 MNL-Naga, 2P 266 Naga-MNL, 2P 014 MNL-Tuguegarao, 2P 015 Tuguegarao-MNL, 5J 895 MNL-Caticlan, 5J 898 Caticlan-MNL, 5J 913 MNL-Caticlan, 5J 914 Caticlan-MNL, 5J 897 MNL-Caticlan, 5J 896 Caticlan-MNL.

Pinayuhan ng pamunuan ng Cebu Pacific na hintayin ang kanilang advisory kung kalian ibabalik sa normal ang kanilang mga biyahe.

Samantala, mararanasan ngayong Huwebes ang matinding pag-ulan sa buong Luzon dala ng bagyong Falcon, ayon kay Undersecretary Graciano Yumul ng Department of Science and Technology (DOST).

Ang mga lalawigan sa Northwestern Luzon ang higit na babayunin ng ulan na dala ni Falcon.

Dala ni Falcon ana malakas na ulan at hangin pero hindi tatama sa kalupaan ng bansa, pahayag ni Yumul.

Aniya, sa Sabado pa inaasahang makalalabas si Falcon sa teritoryo ng Pilipinas at patungo ito sa direksyon ng Taiwan.

Sinabi rin ni Yumul na kakaiba rin ang katangian ni Falcon dahil sa pagkakaroon nito ng dalawang pisngi subalit iisang mata.

Tiniyak din ng undersecretary na binabantayan nila ang posibilidad na maiwan sa bansa ang isang pisngi ng bagyong Falcon at maging panibagong bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply