26 fishermen nawawala

TINATAYANG 26 na mangingisda sakay ng isang bangka ang napaulat na nawawala sa Spratlys area kahapon pa ng Huwebes, Hunyo 9.

Ayon sa ulat ngayong Biyernes ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, hinihinalang naabutan ng bagyo sa karagatan ang bangkang “3MS WOF”.

Kinumpirma naman ni Office of Civil Defense Administrator Benito Ramos na nawawala nga ang mga naturang mangingisda makaraang hindi na nakabalik sa kanilang mga tahanan kahapon pa ng hapon.

“Dapat makakabalik sila sa Bolinao mga 6:30 p.m. Nawalan sila ng contact mga 3:30 p.m. Pabalik na sana sila… siguro nasalubong ang bagyo…,” ayon kay Ramos sa isang panayam ng GMA news.

Nabatid pa kay Ramos na dalawang eroplano at dalawang barko na ang itinalaga ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy upang tumulong sa paghahanap sa mga mangingisda.

“Maaga pa lang, nag-deploy na ang Coast Guard at Navy ng dalawang eroplano at dalawang barko para sa paghahanap ng mga mangingisda,” dagdag pa nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply