27 katao arestado sa cybersex

ARESTADO ang 27 katao na nasa loob ng isang internet cafe sa Cavite City matapos magsagawa ng raid dito ang pulisya dahil sa ginagamit umano ang lugar sa cybersex operations.

Karamihan sa mga arestado ay mga babae na ang iba ay nasa akto pa ng pagpapakita sa kanilang mga hubad ng katawan gamit ng webcam.

Matagal na umanong minamanmanan ng pulisya ang naturang aktibidad sa loob ng computer shop.

Nabatid na karamihan sa nabibiktima ng modus ay mga dayuhang lalaki.

Kinakaibigan umano muna ng mga babaing nagtatrabaho sa computer shop ang mga dayuhan at inaayang mag-cyber sex ang mga ito kung saan ay inire-record umano ng mga babae ang kanilang mga kliyente at saka iba-blackmail na ikakalat sa internet ang mga larawan at video ng dayuhan kapag hindi ito nakapagbigay ng $1,000.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply