27 pasaway nasakote sa Pasay

NASAKOTE ng elemento ng  Police Community Relations Office (CRO) ang may 27 katao kaugnay sa paglulunsad ng Anti-Criminality operation sa Pasay City.

Batay sa ulat ni CRO chief, Police Inspector Enrico Ebon, layunin umano nila na gisingin ang mga residente kaugnay sa umiiral na ordinansa na mahigpit na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan hinggil sa pagbabawal sa paglalakad ng nakahubad sa kalsada at pag-inom sa pambublikong lugar

Kasama ang  Barangay Peace Keeping Action Team (BPAT), ginalugad ang mga lugar sa area ng Brgy. Marican sa naturang lungsod at nasakote ang pitong lalaki kaugnay sa paglabag sa City Ordinance 265 (Drinking Liquor/Intoxicated Drinks in public).

Samatala 20 sa mga ito ay nadakip sa paglabag sa City Ordinance No. 3395 (Walking Half Naked in Public).

Ang mga nasakoteng suspek ay dinala sa Station Investigation & Detective Management Section para masampahan ng kaso sa Prosecutor’s Office. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply