27 paslit nalason sa Pampanga

UMABOT sa 27 bata ang nalason Miyerkules ng gabi, Hunyo 15, sa Angeles City, Pampanga.

Batay sa ulat ng Angeles City police office, nakaramdam ang mga biktima ng pananakit ng tiyan matapos kumain ng prutas na galumbang, isang bungang-kahoy na parang mansanas.

Dahil sa hitsura nito, inakala ng mga bata na maaari itong kainin.

Agad namang hinuli ang hinihinalang nasa likod ng pagpapakain nito sa mga bata na kinilalang si Edwin Balbuena.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital ang mga biktima.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply