27 patay sa E-coli sa Germany

INIHAYAG ng bansang Germany ang karagdagang 27 napatay sa E-coli bacteria na kumakalat sa nasabing bansa.

Kasalukuyan pnamang binabantayan ang may 722 katao apektado ng naturang bacteria. Tinatayang halos tatlong libo katao na ang apektado ng naturang virus ayon sa Robert Kock Institute.

Naglaan na ang European Union ang $307 million para ipamahagi sa mga naapektuhan partikular sa mga magsasakang tinamaan ng kanilang mga pananim.

“This envelope will enable us to respond to the compensation requests for the period from May 26 through to the end of June. We will then take stock of the situation and see whether we need to adjust these figures,” ayon kay EU agriculture commissioner Dacion Cioloc.

Dahil dito, matumal na ang bentahan ng gulay at prutas sa kanilang bansa kaya’t nagrereklamo na ang mga magsasaka dahil halos 40 porsiyento na ang ibinaba ng kanilang kita.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply