27 patay sa flashflood sa Davao: PNoy paano ito?

NAKAPANININDIG-BALAHIBO ang naganap na flashflood sa Davao City.

Umulan nang malakas sa loob ng tatlong oras.

Di naglaon, naririyan na ang rumaragasang baha.

Marami na ang natutulog sa gabing iyon.

Akala ng nakararami, hanggang tuhod lang ang aabutin ng baha.

Kung higit pa, hanggang leeg lamang.

Pero iba ang naganap.

Hanggang bubong pala ang baha.

Bukod sa laki ng baha, mabilis ang agos, mas mabilis pa sa sasakyan.

oOo

Kinabukasan, maraming tahanan ang nawalan ng nananahan.

Maraming tahanan ang nawasak.

Maraming sasakyan, bahay, kagamitan at iba pa ang natagpuang parang basura na nakakalat na lamang kahit saan.

oOo

Ang mga nawasak na tahanan, ang mga tahanang nawalan ng nananahan.

Ang mga sasakyan naging basura.

Aaah…ang mga laman ng mga ito, natagpuang nalunod.

May mga natagpuang bangkay na kasama ng mga ibinasurang tahanan, sasakyan, kagamitan at iba.

May lumulutang na mga bangkay sa mga ilog, palayan at putikan at mayroon ding nasabit sa ilang puno.

Sa una, may isang natagpuang bangkay.

Nasundan ito ng dala-wa, tatlo, anim… hanggang sa umabot ang pagbibilang ng mga surbaybor at rescue teams sa 25 bangkay.

oOo

Ganyan kabagsik ang ulan at baha.

PNoy, Mr. President, unahin mong asikasuhin ang ganitong mga problema bago ka maghihiyaw sa korapsyon ng iba at humanap ng pa-langga. Kiloooooosss!!!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply