28 counts ng graft isinampa sa Agusan del Norte gov

KINASUHAN ng tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan ng 28 counts ng graft si incumbent Agusan del Norte Provincial Governor Erlpe John Amante dahil sa pagpabor sa isang small-scale mining operator para mag-transport ng may  $23,818,715  halaga ng  lateritic nickel ores mula Agosto  2006  hanggang Abril  2007.

Ang pagsasampa ng kaso ay inaprubahan ni Acting Deputy Ombudsman Orlando Casimiro base sa rekomendasyon ni Graft investigation at prosecution officer II Judy Anne Doctor-Escalona.

Kinasuhan din ng graft sina Provincial Engineering Office employees Apolinario Yee (24 counts) at Celso Perez (4 counts) gayundin si  private defendant Jimwell M. Orpilla, head ng SR Metals Inc.(SRMI) hinggil dito.

Pinagpipiyansa naman ng korte ang mga nabanggit ng tig-P30,000 para sa pansamantalang kalayaan.

Sinasabing ang naturang mga opisyal ay nakipagsabwatan kay Orpilla para isyuhan ang SRMI ng ore transport permits para makapaghukay ng 672,163 metric tons ng lateritic nickel ores gayung mayroon na itong ore transport permit para makapag-transport ng 48,46 metric tons ng lateritic nickel ores.

Ayon sa  Ombudsman, ang SRMI ay may 50,000-metric ton limit lamang  kada taon ng operasyon base sa  small scale mining permit na naibigay dito alinsunod sa Section 1 ng Presidential Decree No. 1899.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply