2,824 pamilya na inilikas nakabalik na

NAKABALIK na ng kanilang mga tahanan ang may 2,824 pamilya na residente ng Quezon City na nagsilikas sa kanilang mga tahanan sa kasagsagan ng ulan ng bagyong Falcon nitong nakalipas na Biyernes.

Ayon kay Aderlina Nuñeca, social service officer 1 ng Social Service Development Department (SSDD) ang naturang mga pamilya ay mula sa 29 barangay ng lungsod Quezon na naapektuhan ng walang puknat na pag-ulan bunga ng bagyong Falcon ay ligtas na nakauwi sa kanilang mga bahay dakong alas-2:00 ng Linggo ng hapon, Hunyo 26.

Nabatid sa ulat na pansamantalang naninirahan ang mga naturang pamilya sa mga matataas na lugar ng kanilang barangay tulad ng covered court, daycare center, barangay hall matapos ang dalawang araw na walang tigil na pag-ulan bunga ng bagyong Falcon.

Sinabi pa ni Nuñeca na karamihan sa mga inilikas na pamilya ng kasagsagan ng pagbuhos ng ulan ng bagyong Falcon ay mula sa Bgy. Silangan na kinabibilangan ng 949 pamilya.

Naging alerto ang mga residente na naninirahan sa mga barangay ng lungsod kapag bumubuhos ang ulan upang hindi na maulit pa ang naging pananalasa ng bagyong Ondoy sa bansa na kumitil ng maraming buhay. Santi Celario

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply