3 anak isinalang sa cyber sex, mag-asawa dakip

DAKIP ang isang mag-asawa nang salakayin ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang bahay at maabutang nakahubo’t hubad ang kanilang tatlong anak na babae habang nakaharap sa kamera sa internet sa Cebu City.

Hindi umano ibinigay ng NBI ang mga pangalan ng mag-asawa at mga anak at isang pamangking babae na pawang mga menor-de edad para sa kanilang proteksyon at pagtalima sa Republic Act 9208, ang anti-trafficking in Persons Act of 2003.

Umamin naman ang ina ng mga bata, na buntis sa kasalukuyan na nagsasagawa nga sila ng online pornography subalit itinanggi na isinasama niya ang kanyang mga anak sa kanyang ginagawa.

Nataon lamang umano na naliligo ang mga ito at magbibihis sa kanilang kwarto nang matiyempuhan ng mga operatiba ng NBI.

Napilitan lamang umano ang mga suspek na gawin ang online sex dahil sa wala silang trabaho kapwa ng asawa.

Ang paglusob ng mga NBI ay awtorisado ng warrant na inisyu ni RTC judge Meinrado Paredes na ikinaresulta ng pagkakakulong ng mag-asawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply