3-anyos paslit utas sa hataw ng tiyuhin

PATAY agad ang tatlong taong gulang na lalaki matapos aksidenteng mahataw sa ulo ng kanyang sariling tiyuhin na kaaway naman ng kanyang ama sa loob ng kanilang tahanan sa Guimaras, sa ulat ng pulisya.

Sa police report, kinilala ang biktima na si Koven Dumadog, ng Barangay Poblacion, Jordan Guimaras habang hawak naman ng Guimaras PNP ang suspek na si Charlie Ga.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Veronica Dumadag, ina ng bata na nagkaroon ng pagtatalo ang kanyang kapatid na si Charlie Ga at asawa na si Jovic Dumadaog.

Pinasok umano ng kanyang kapatid ang kanyang asawa sa kanilang bahay at hinampas ng malaking kahoy ngunit sumablay at tumama sa kanyang anak na katabi ng ama nito habang nakaupo sa hagdan.

Dahil sa malaking sugat sa ulo ay agad na namatay ang bata.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply