3 bagong suspek sa Dacer-Corbito case ibubunyag ni de Lima

INAMIN ni Justice Secretary Leila de Lima na agad niyang papangalanan ang tatlong bagong malalaking personalidad na sangkot sa pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito sa oras na pormal nang maikasa ang kaso sa kanila.

Ani De Lima, dalawa sa bagong suspek ay hindi pormal na nakasuhan noon, habang ang isa pa ay una nang nakasuhan sa korte pero kasalukuyang nagtatago sa Amerika.

“May mga names na nababanggit na hindi naman pala naimbestigahan dati, but big names pero hindi pa naimbestigahan lahat,” ani De Lima.

Ang mga akusado na nakarekord sa Manila Regional Trial Court Branch 18 ay kinabibilangan nina Senior Superintendent Cezar Mancao II at Michael Ray Aquino, ngayon ay nasa Pinas na matapos payagan ng US court ang hiling ng bansa na extradition.

Dati ring akusado sa krimen si dating police Superintendent Glenn Dumlao na agad ding pinawalang sala ng Manila court ayon na rin sa utos ng Supreme Court noong 2005.

Nabura na rin sa listahan si Sen. Panfilo Lacson, nang iabswelto ng Manila court sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply