3 energy firms ipinasara ni Lim

IPINASARA ni Manila Mayor Alfredo Lim ang tatlong energy company matapos maging sanhi ng matinding pagkakasakit ng mga residente sa Vitas, Tondo, Manila ang tone-toneladang uling na iligal na iniimbak ng mga ito sa kani-kanilang bakuran.

Matapos ang ocular inspection na isinagawa nina City Administrator Jesus Mari Marzan at Department of Public Services Chief retired Col. Carlos Baltazar, kaagad nilang inirekomenda sa alkalde ang pagpapatigil sa operasyon ng Rock Energy, SGC Trading at ang Philippine National Oil Company sa Vitas, Tondo.

Nauna rito, kinumpirma ni Manila City Health Office Chief Dr. Lorraine Sanchez na dumanas ng impeksyon, paninikip ng dibdib at skin allergy ang mga biktimang isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center matapos makalanghap ng nakalalasong hangin mula sa mga na uling na nakaimbak sa open area na pag-aari ng tatlong kompanya.

Kinilala ni Dr. Sanchez ang mga biktima na sina: Ritchie Dela Cruz, 1; Radge dela Cruz, 6; Miles Gweneth dela Cruz, 8;   Zengie Ruben Zamora, limang buwang sanggol; Queen Stephanie Timod at John Kernel Gecarog, kapwa  anim na buwan; Kerbie Biulon, 4; Shymae dela Cruz, 3; Aileen Mae Oquias, 7;  Emerald Hiceta, 2; Maricar Jintulan, 28; Irish Suentado, 29; at  Ma. Theresa de Guzman, 44; pawang residente ng Aldrea-Fortune Compound, Pier 18, Vitas, Tondo, Maynila.

Ayon sa City Administrator, peligroso sa mga residente sa Maynila ang iligal na pagtambak ng uling ng mga kompanya dahil hindi nito inilagay sa ligtas na lugar ang kanilang mga produkto.

Tiniyak naman ni Lim na mananatiling sarado ang operasyon ng SGC, Rock Energy at PNOC hangga’t wala itong enclosed facilities na mapag-iimbakan ng tone-toneladang uling. Verlin Ruiz

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply