3 Gabinete na ‘sakit ng ulo’ ni PNoy tinukoy na

INIHAYAG ng isang source na ang tinutukoy ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na nagpapasakit ng kanyang ulo ay mula sa mga opisina ng communication, peace at tourism.

Aniya, posibleng ang tatlong miyembre ng Gabinete ay sina Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang, Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Teresita Deles at Tourism Secretary Albert Lim.

Idinagdag ng source, na tumangging magpabanggit ng pangalan, na posibelng masibak ang tatlo sa lalong madaling panahon.

Paliwanag pa ng source, dismayado na umano si Pangulong Aquino sa dami ng mga kapalpakan ng tatlong opisyal kaya’t napipilitan ang Pangulo na idepensa ang mga ito.

Aniya, baliktad ito dahil dapat ay ang Gabinete ang nagtatanggol sa Pangulo.

Si Carandang ay pinaghihinalaang nagbubunyag ng mga embargo speeches ni Pangulong Aquino sa isang malaki at kilalang television network.

Si Deles naman ay arogante umano, na minsan ay nauwi sa di-pagkakaintindihan kay Lanao del Norte Rep. Fatima Aliah Dimaporo.

Ang nakasakit naman sa ulo ng Pangulo sa kaso ni Lim ay ang logo scandal noong 2010 at ang kabagalan sa pagpapasigla ng turismo sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply