3 Gabinete ni PNoy ipinasisibak ni Chiz

IMINUNGKAHI ng isang kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III na sibakin kaagad ang tatlong miyembro ng Gabinete nito na itinuturing na pabigat sa administrasyon.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, dapat nang sibakin ni Pangulong Aquino ang sinasabi niyang tatlong Gabinete na pabigat sa kanyang administrasyon na puro bad news ang inihahatid sa tuwing sila ay magkikita.

Sinabi ni Escudero na kung mga problemang pinapasan ng kanyang tatlong cabinet member ay kagagawan mismo nila, kailangang sipain na ito sa puwesto.

“Kung sila rin ang may kasalanan at gumawa ng problema…dapat lang naman siguro,” pagdidiin ng senador.

Nauna rito, hindi na naitago ng Pangulo ang kanyang pagkadismaya sa ilang miyembro ng gabinete na puros problema ang idinudulog sa kanya imbes na mga solusyon sa problema.

Sinabi pa ni PNoy na dapat gayahin ng ibang miyembro ng kanyang gabinete ang ginagawa nina Public Works Secretary Rogelio Singson, DOST Secretary Mario Montejo at Budget Secretary Florencio “Butch” Abad na kahit may problema sa kanyang kagawaran ay may nakahanda namang solusyon tuwing makakaharap niya.

Dalawang cabinet member na ang nagbitiw sa administrasyong Aquino, una ay si Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo na nabigyan lamang ng extension sa puwesto matapos manilbihan noong administrasyong Arroyo at si DOTC Secretary Jose “Ping” de Jesus.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply