3 katao nabagsakan ng palm tree patay

PISAK ang tatlong katao kabilang ang isang mag-asawa nang mabuwal ang higanteng palm tree at mabagsakan ang kanilang kabahayan sa Mandaue City, Cebu province, Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ng Mandaue City PNP ang mag-asawang biktima na sina Romeo Dimpas, 44 at misis nitong si Charita, 45, habang ang isa pang biktima ay si Richard Gerubias, 27, kapitbahay ng Dimpas couple.

Sa ulat  na nakarating sa Camp Crame,  naganap ang insidente sa pagitan ng alas-2 hanggang alas-3 ng madaling araw sa mismong bahay ng mag-asawa at ni Gerubias sa isang barangay sa Mandaue City.

Bago ito, nabatid na natutulog ang mag-asawang Dimpas habang si Gerubias naman ay may inaasikaso sa loob ng kanyang bahay nang biglang nabuwal ang naturang puno.

Minalas namang sa mismong kabahayan ng mga biktima bumagsak ang puno na kilala sa lugar na buli.

Isa sa dahilang tinitingnan sa pagbagsak ng puno ay ang paglambot ng lupa dala ng walang humpay na pag-ulan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply