3 magical words para kay hubby

NA-INLOVE ka na ba girl? Bahagi ng buhay ng tao ang magmahal at mahalin. Wala na yatang sasarap pa kapag naramdaman mo ang ganitong damdamin.  Para kang nasa claud nine, kahit
walang nakatatawa, bigla ka na lang mangingiti nang walang dahilan.  Lagi kang lutang.

Naipakikita mo ang iyong “best side”  dahil inspirado ka sa lahat ng ginagawa mo…kinakaya maging ang inaakala mong mabigat na pasanin.

Iba ang pakiramdam, hindi maipaliwanag dahil kulang ang mga salita para ilarawan ang nararamdaman.

Gayunman, parte rin ng pagsasama at pagmamahalan ang mga tampuhan. Hindi ito maiiwasan at natural lamang ito ayon  sa love experts.

Para maging matibay ang pagsasama maraming bagay ang kailangang matutunan ng mga babae gayundin ang mga lalaki.

Since, kakatapos lang ng Father’s Day, magpo-focus muna tayo sa mga magagawa ni misis para okay ang pagsasama nila ni mister.

Narito ang mga 3 magical words na maaaring maging guide ni misis kay mister upang maging okey ang pagsasama:

I respect you
Mahalaga ang respeto sa isang matibay na relasyon. Laging sabihin at ipadama kay mister na nirerespeto mo ang kanyang mga ideya. Ipakita rin na talagang nirerespeto mo siya o ang kanyang mga sinasabi o ginagawa.

Ayon nga sa mga eksperto sa pakikipagrelasyon… ang respeto ay isang paraan upang maipadama at maipakita na mahal mo ang iyong asawa.

Maybe you’re right
Effective ang mga katagang ito tuwing may bagay kayong pinagtatalunan.  Mainam ito upang hindi na umabot pa sa mas mahabang pagtatalo o tuluyang mauwi sa pagkakagalit.

Dapat na alam din kung kailan tatanggapin ang pagkakamali. Kung mali ka, aminin mo at mag-sorry.

I am sorry
Napaka-powerful din ng mga katagang ito. Mahirap din itong sabihin para sa ibang tao lalo na sa matataas ang pride. May tamang lugar ang pride. Kung kinakailangan para maging maayos ang
relasyon, mas mabuting magpakababa at  humingi ng sorry.

Ang paghingi ng sorry kasabay ng pagtanggap ng sariling pagkakamali ay isang palatandaan ng pagiging isang matured.

Count on me
Sa buhay maraming pinagdadaanan ang couples. Bukod sa mga problema sa loob ng bahay, may mga prblema din sa labas gaya sa trabaho o sa pamilya ng iyong asawa. Anuman ang problema ay dapat na sabihin sa iyong minamahal na maasahan ka anumang oras para maging katuwang sa pagresolba nito.

Hindi lamang sa ganitong pagkakataon, dapat sa lahat ng oras ay nandyan kayo para sa isa’t isa gaano man kahirap ang pinagdaraanan. Laging i-assure si mister na handa kang tulunga siya.

Let me help
Minsan nagkakaroon ng problema ang iyong kabiyak maaaring sa pamilya o sa trabaho maging sa kaibigan.

Karamihan sa mga lalaki ay hindi basta-basta nagku-kwento.  Bilang partner,  nararamdaman mo na may “something” sa kanya.  Hindi man siya magsalita, mararamdaman mo na may iniisip siya o may pino-problema siya.

Kausapin si mister at tanungin kung ano ang problema. Oras na sabihin niya na okey lang siya at ayaw patulong, makabubuting palipasin muna ito. Kapag naman hindi pa rin nagbago, tiyak na there’s something wrong na talaga. Dito sa puntong ito, sabihin kay mister na kailangan na niya ang tulong mo.

Hindi mo man siya direktang matutulungan o masosolusyunan ang problema niya, kausapin pa rin siya. Sabihin mo na napapansin mo ang kanyang mgaikinikilos at alam mo na may pinoproblema siya.

I-offer ang tulong sa kanya. Sabihin sa kanya ng maayos na maaari niyang ibahagi sa iyo ang gumugulo sa kanyang isipan. Kapag nag-open up na siya sa iyo, dito sabihin ang iyong suggestion. Sabihin rin sa kanya na maaaring hindi niya sundin ang iyong payo at nasa kanya pa rin ang desisyon.

I understand you
Unawain si mister hanggang kaya mo. Kaakibat ng pang-unawa ay ang pagtanggap sa kanya, sa kanyang mga ginagawa o mga hindi nagawa.

Walang perpekto, maging ikaw, minsan ay may mga pagkukulang din.

Lawakan ang pang-unawa.

I thank you
Laging pasalamatan ang iyong kabiyak sa kanyang pagmamahal na ibinibigay sa iyo at inyong mga anak.

Pasalamtan rin siya sa pagtataguyod ng inyong pamilya.

You are great
Tuwing may nagagawang mabuti ang asawa mo, sa bahay man, sa trabaho, maging sa kanyang kinagigiliwang sports, o kaya’y sa mga kaibigan, huwag kalimutan na papurihan siya. Kahit simpleng “you are great” ay siguradong makapagpapasaya sa kanya.

Hindi ba’t masarap ang pakiramdam na binabati ka sa magandang nagawa o magandang performance lalo pa kung galing ito sa taong minamahal?

Para kang hinehele o musika sa iyong pandinig ang papuri ng kabiyak. Kaya naman matutuwa si mister kapag siya ay pinupuri mo sabihin man niya o hindi. Mas lalo niyang pinagbubuti ang bagay na kanyang ginagawa.

God bless you
Laging sabihin sa kanya  ang God Bless You. Kahit alam mo na lagi naman siyang babantayan ng Diyos. Masarap pa rin na maririnig mo ang mga katagang ito.  Isang paraan din ito ng pagsasabi ng Good luck.

Go for it
Sa lahat ng ginagawa ni mister, mahalaga ang iyong 100 porsiyentong suporta.  Iwasan na i-discourage ang partner na gawin ang isang bagay na mahalaga sa kanya.

Halimbawa, marami sa a mga lalaki ay mahilig sa sports…huwag siyang kontrahin dito. Sa ganitong paraan ipinakikita mo na iginagalang mo rin ang kanyang ginagawa.

Dapat nga na ikatuwa mo na may libangan si mister. Siguradong masaya siya kapag nagagawa ang kanyang mga gusto. Plus pa na mabuti ang sports  sa kanyang kalusugan. Maging sa ibang mga bagay din.

Isipin din na mas mai-inspire siya kapag sa iyo nagmula ang pagsuporta na kailangan niya. Kaya “go for it.”

I love you
Araw-araw, anuman ang ginagawa…minu-minutong sabihin sa kanya na mahal mo siya. Pwede mo siyang itext, tawagan o i-message sa Facebook o email, upang sabihin na mahal mo siya kung nasa trabaho siya o nasa labas.

Iparamdam sa kanya kung gaano ka kasuwerte at siya ang napangasawa mo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply