3 minero nadaganan ng bato; 2 dedo, 1 kritikal

DALAWANG minero ang namatay at isa pa ang kritikal matapos madaganan ang tatlo ng isang malaking bato sa minahan sa Benguet.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Mardy Dulay Andiso, 31, at Jonardo Ringor, 29. Nasa kritikal na kondisyon pa rin ay ginagamot sa St. Louis University  Hospital sa Baguio City si Conrado Ritumalta Tullao, 51, ng Capitol Area Philex Mines, Tuba, Benguet.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, inaaayos ng mga minero ang batong papasabugin nang biglang bumagsak ito sa kanila.

Nangako naman ang pamunuan ng Philex Mines ng pinansyal na tulong sa pamilya ng mga biktima.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply